Skip to main content
Mga Paksa

Scam

Ang aming paninindigan sa mga scam

Sa TikTok, mahalaga sa amin ang kaligtasan ng user at pagiging tunay ng content. Hinding-hindi namin kinukunsinti at hindi namin pinapayagan ang anumang anyo ng content na may kinalaman sa scam sa aming platform. Tulad ng nilinaw namin sa aming Mga Patnubay sa Komunidad, layunin naming alisin ang anumang content na gustong manamantala sa tiwala ng aming mga user para sa personal na pakinabang. Posibleng ma-ban ang mga account ng mga user na may mga paulit-ulit na paglabag.

Nakikita namin ang pinsalang puwedeng idulot ng mga scam at aktibo kaming naglunsad ng ilang inisyatiba para magpalaganap ng kaalaman tungkol sa cybercrime at digital literacy, kasama na ang paglahok sa International Fraud Awareness Week at pagsisimula ng sarili naming#BeCyberSmart campaign.

Ano ang mga scam?

Ang mga scam ay mga mapanloko at mapanlinlang na gawaing puwedeng mangyari online. Karaniwang kasama sa mga scam na ito ang pananamantala sa iba para sa isang anyo ng pinansyal na pakinabang pero puwede ring maging sangkot dito ang isang scammer na sumusubok na kumuha ng personal na data ng isang indibidwal. Kasama rito ang data gaya ng mga personal na ID number, detalye sa pag-log in sa account, address, petsa ng kapanganakan, email address, numero ng telepono, at One-Time Password (OTP).

Mga Karaniwang Uri ng Online na Scam

Narito ang ilang halimbawa ng mga online scam na dapat mong malaman:

Mga scam sa trabahoMga scam na nagpo-promote ng mga mapanloko at hindi hinihinging alok na trabaho na mukhang marangal, malaking magpasuweldo, at hindi masyadong nangangailangan ng pagsisikap. Ang mga ganitong scam ay kadalasang may kasamang “bayad sa pagrerehistro” na hinding-hindi na nababawi ng mga biktima at puwedeng manghingi ng personal na impormasyon na gagamitin sa mga scam sa ibang pagkakataon.
PhishingMga scam kung saan niloloko ang mga user para hindi sila sinasadyang makapagbigay ng personal na impormasyon. Kadalasang isinasagawa ang mga scam na ito sa pamamagitan ng mga pekeng website, email, o text na mukhang kumakatawan sa isang lehitimong kumpanya.
Mga scam sa pautangMga scam kung saan sinasabi ng mga indibidwal na sila ay mga lisensyadong nagpapautang at kinukumbinsi nila ang mga biktima na magbayad ng “deposito” para maibigay ang pautang. Pagkalipat ng deposito, hindi na nakakaugnayan ang mga scammer na ito. Puwede rin silang humingi ng personal na impormasyon para ma-blackmail ang mga biktima sa ibang pagkakataon para magbayad pa sila.
Money Mule ScamMga scam na nag-aalok ng mga pagkakataong kumita ng pera kung saan kailangang ibigay ng mga user ang kontrol sa kanilang bank account kapalit ng komisyon. Kapag ginawa nila iyon, posibleng hindi sinasadyang tumulong ang mga user sa ilegal na gawain ng money laundering.
Scam sa Mga Mobile GameNag-aalok ang mga scammer ng mga item sa laro nang walang bayad o sa mas murang rate. Pinakamadalas itong sinusundan ng tagubiling bumisita sa isang website o mag-click sa isang link. Dahil dito, ang user ay posibleng mawalan ng account, mawalan ng currency sa laro, o mawalan ng pera.
Mga scam na may mga hindi makatotohanang returnMga scam ng libreng pera na nagbibigay sa mga user ng mga return na cash, pekeng pera, digital currency, currency sa laro, cryptocurrency, atbp., karaniwang sa pagtatangkang i-scam ang user sa pamamagitan ng “bayad sa pangangasiwa” o nakawin ang personal niyang impormasyon.

Mga scam ng mga libreng produkto at serbisyo na nangangakosa mga user na makakakuha sila ng mga libreng produkto at/o serbisyo kasama na ang mga gift card, phone, serbisyo sa video streaming, alok na trabaho, paraan ng pag-scam, pinekeng dokumento, ninakaw o pekeng online account, ninakaw o pekeng pampinansyal na impormasyon, diskwento, atbp., karaniwang sa pagtatangkang i-scam ang user sa pamamagitan ng “bayad sa pangangasiwa” o nakawin ang personal niyang impormasyon.
Mga scam ng pag-ibigMga scam kung saan nagkukunwari ng pag-ibig sa isang biktima para makuha ang kanyang loob, kadalasan ay para ma-access ang mga bank account, credit card, pasaporte, e-mail account, o national identification number ng biktima, o puwede ring mapuwersa ang mga biktima na gumawa ng panloloko para sa kanila. Mag-click dito para sa ilang tip sa TikTok para #BeCyberSmart at makaiwas sa mga scam ng pag-ibig.
Mga scam sa lottoMga scam na nagpapaniwala sa mga biktima na nanalo sila sa lotto o ng premyo sa palabunutan na makukuha lang pagkatapos magbayad ng mga bayarin sa pangangasiwa, buwis, o miscellaneous na pagbabayad sa bank account na nasa ibang bansa.
Mga scam ng donasyonMga scam na malamang na lumabas sa mga panahon ng krisis kung saan direktang nanghihingi ng mga donasyon ang mga scammer sa mga bank account nila sa pamamagitan ng mga mensahe o sa pamamagitan ng mga website na idinisenyo para tumanggap ng mga donasyon o magnakaw ng personal na impormasyon.
Ponzi o mga pyramid schemeAng Ponzi scheme ay isang mapanlokong scam sa pamumuhunan na nangangako ng matataas na rate ng kita nang may kaunting panganib. Kumikita rito ang mga naunang namuhunan sa mga perang nakukuha sa mga susunod na mamumuhunan.
Ang pyramid scheme ay isang scam sa pamumuhunan batay sa hierarchical setup ng network marketing.
Fixed bettingKadalasang sinasabi ng mga scam na ito na mayroon silang mga tip o inside information tungkol sa mga fixed match, na kadalasang mali (at ilegal). Nawawala sa mga biktima ang perang itinataya nila sa mga scam na nagti-tip na ito.

Pagpapanatiling secure ng iyong account

Hinding-hindi namin hihingin ang iyong password sa pamamagitan ng direktang pagmemensahe o email. Kung may matatanggap kang email mula sa isang taong nagsasabi na taga-TikTok siya, tingnan ang email address at siguraduhing nagtatapos ito sa @tiktok.com bago mo ito buksan o sagutin.

Iwasang mag-click sa mga hindi kilalang link o magbukas ng mga hindi kilalang attachment dahil posibleng mapanloko o nakakapinsala ang mga ito. Kapag nagsasagawa ng mga transaksyon, laging i-verify ang pagiging lehitimo ng site sa pamamagitan ng pagtingin nang mabuti sa URL.

Kapag nagdududa kung lehitimo ba ang isang bagay o hindi, laging magtanong sa orihinal, opisyal, at na-verify na source (hal. pumunta sa opisyal na website sa pamamagitan ng search engine sa halip na mag-click sa hindi kilala at posibleng kahina-hinalang link).

Magtakda ng malalakas na password na may mga uppercase at lowercase na titik, numero, simbolo, at salita. Nahihirapan ka bang tandaan ang mga password mo? Gumamit ng mga salitang nauugnay sa isang alaala mo at bumuo ng parirala, hal. IhadKAYAtoast@8AM!

Iwasang ibahagi ang iyong personal na impormasyon, mga password, o One-Time Password (OTP). Puwede ring gamitin ng mga hacker ang iyong personal na impormasyon para hulalan ang mga password o panseguridad na tanong mo. Para sa dagdag na layer ng seguridad, i-enable ang Two-Factor Authentication (2FA).

Kung sa tingin mo ay posibleng may nakapag-access ng iyong account o may nakikita kang anumang kahina-hinalang content na posibleng panloloko o scam,i-report ito agad sa amin. Hinihikayat ka ring palitan agad ang iyong password.

Mag-click dito para sa higit pang resource tungkol sa Privacy at Seguridad sa TikTok.

Pagre-report ng mga scam sa TikTok

Makakatulong ang pag-report ng mga posibleng scam para maiwasan ang mga pagtatangka sa hinaharap at maprotektahan ang iba. Kung may makikita kang anumang content na may kinalaman sa scam sa TikTok, paki-report ito sa app sa ilalim ng “Mga Panloloko at Scam” para makagawa kami ng agarang aksyon at patuloy naming mapanatiling ligtas ang platform para sa aming komunidad.

Humingi ng Tulong

Kung ikaw o ang isang taong kakilala mo ay nangangailangan ng higit pang impormasyon kung paano manatiling ligtas online, at tumukoy ng mga online na scam, narito ang ilang resource na puwedeng makatulong: