Skip to main content
Mga Gabay

New User Guide

Hello at welcome sa TikTok!

Layunin ng gabay na ito na magbigay ng overview tungkol sa TikTok at sa mga tools at controls na nakapaloob sa aming produkto upang mapanatiling ligtas ang aming komunidad.

Ano ang TikTok?

Ang TikTok ay app para sa mga maiikling videos. Lugar ito para sa nakatutuwa at positibong content na gawa ng mga totoong tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang misyon namin ay mag-inspire ng creativity at magdala ng kasiyahan.

Getting started

Pagbibigay ng iyong petsa ng kapanganakan

Para makapag-sign up para sa TikTok, dapat mong ibigay ang iyong petsa ng kapanganakan. Kung magpapasya kang gumawa ng iyong account gamit ang ibang platform, hihilingin din sa iyong ibigay sa amin nang direkta ang petsa ng kapanganakan mo. Mula sa paghihigpit sa access sa ilang partikular na feature hanggang sa pag-aakma ng mga ad na nakikita ng mga tao, ang pagtiyak na mayroon kaming tamang impormasyon ay makakatulong na matiyak na magkakaroon ang mga miyembro ng komunidad ng tamang karanasang angkop sa edad.

Ang iyong privacy

Kapag ikaw ay gumagamit ng TikTok, pinoproseso namin ang iyong impormasyon para suportahan ang iyong use at functionality sa platform. Ginagamit din namin ang naturang impormasyon para panatilihing ligtas ang lahat. Pwede mong basahin ang aming Privacy Policy para maintindihan kung anong impormasyon ang aming kokolektahin sa iyo at paano namin magagamit at matutukan ito. Kami ay committed na  irespeto ang protekagan ang iyong privacy at maaaring mong alamin ang tungkol sa aming privacy practices at iyong choices dito.

Community Guidelines

Prayoridad namin ang pagbibigay ng supportive na environment. Naniniwala kami na ang pakiramdam ng pagiging ligtas ay mahalaga parang matulungan namin ang mga tao na maging komportable habang malaya at malikhaing pinahahayag ang kanilang sarili. Inaalis namin ang content kabilang ang video, audio, livestream, images, comments at text na lumalabag sa aming Community Guidelines, at accounts na sangkot sa malala o paulit-ulit na paglabag. Sa ilang mga sitwasyon, irereport namin ang mga accounts sa mga ligal na awtoridad para panatilihing ligtas ang komunidad. Ang aming Community Guidelines ay para sa lahat at sa lahat ng tao ng binabahagi sa TikTok.

TikTok basics

Ang TikTok ay nagbibigay ng tahanan para sa malikhaing pagpapahayag kung saan ang mga user ay maaaring mag-enjoy sa mga immersive, genuine, at entertaining videos- mula sa dance challenges, hanggang lip-syncing, DIY tutorials, historical parodies, at internet memes. Alamin ang tungkol sa For you page, pagiging creator, at community safety sa TikTok.

Safety & Privacy Tools

Prayoridad namin ang pag-promote ng positibong TikTok environment para maging ligtas at komportable ang lahat. Alamin ang tungkol sa tools at settings na aming nilaan para tulungan kang i-manage ang iyong TikTok experience.

View tools


Resources

Para matutunan ninyo ang best practices sa privacy, account security, at kung paano maging mabuting digital citizen, bisitahin ang aming Youth Portal. Makikita ninyo sa ibaba ang mga karagdagang resource materials mula sa aming Safety Partners: