Skip to main content
Mga Paksa

Pagtutol sa Poot sa TikTok

Ang TikTok ay tahanan ng diverse at makulay na komunidad kung saan nagsasama-sama ang mga tao mula sa lahat ng background para maghanap ng kasiyahan, mag-inspire ng creativity, at i-express ang kanilang sarili. Tulad ng nakalagay sa aming Mga Patnubay sa Komunidad, ang mapoot na gawi ay hindi compatible sa creative at inclusive na environment ng TikTok, at nakatuon kami sa patuloy na pagpapahusay kung paano namin pinoprotektahan ang aming komunidad.

Ano ang mapoot na pananalita?

Ang mapoot na pananalita at mapoot na gawi ay umaatake, nagbabanta, nagde-dehumanize, o nagde-degrade sa isang indibidwal o grupo batay sa kanilang mga katangian. Kabilang dito ang mga katangian tulad ng lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, caste, oryentasyong sekswal, sex, gender, gender identity, malubhang sakit, kapansanan, at status sa immigration. Maaaring ituring na pambu-bully o pangha-harass ang mga pag-atake na hindi nakatuon sa mga katangian ng isang indibidwal o grupo.

Pagtuklas ng mapoot na gawi online

Maaaring ihatid ang mapoot na pananalita sa pamamagitan ng anumang anyo ng pagpapahayag, kabilang ang mga larawan, cartoon, meme, bagay, kilos, at simbolo. Hindi palaging halata ang ilan sa mga ito. Natukoy ng akademikong pananaliksik ang ilang karaniwang tema na ginagamit ng mapopoot na grupo para makakuha ng mga follower at maikalat ang kanilang mapoot na mensahe:

  • Naiiba: ang pinakakaraniwang anyo ng poot ay ang pagkuha sa isang grupo at pagturing sa kanila bilang ‘Naiiba‘ – tinitingnan sila bilang ganap na naiiba sa pag-uugali, mga pagpapahalaga, at sa ilang sitwasyon ay bilang mas mababa kaysa sa tao.
  • Persekusyon at Pagiging Biktima: kadalasang fine-frame ng mga tao at grupong nagkakalat ng poot ang kanilang sarili at ang pagkakakilanlan ng grupo nila bilang mga biktima, at sinisisi nila ang ‘Naiiba‘ para sa mga problema sa kanilang buhay at sa lipunan. Kadalasang ginagamit ang mensaheng ito para bigyang-katwiran ang pagbubukod o karahasan laban sa ‘Naiiba‘.
  • Ang Superiority Complex: ang anyo ng poot na ito ay mukhang labis na pag-angat at pagpupuri sa isang grupo kung saan hindi kasama at napipinsala ang mga ‘Naiiba’ na grupo.

Gamit ang mga temang ito, ita-target ng mapopoot na grupo ang kanilang mga biktima sa pamamagitan ng hanay ng mga taktika:

Mga direktang negatibong pag-atake
  • Mga mapang-abusong pag-atake na tumatawag sa isang indibidwal o grupo at sa kanilang pagkakakilanlan habang gumagamit ng marahas, nagde-dehumanize, o nagde-degrade na pananalita
  • Mga komento sa pag-troll na naglalayong inisin o galitin ang mga tao
  • Pag-flood ng mga negatibong komento sa isang komunidad o sa mga mention ng creator
Mga hindi direktang negatibong pag-atake
  • Mga joke at meme na nagkakalat ng mga stereotype at nagno-normalize ng diskriminasyon
  • Mga conspiracy theory na binuo sa poot na nagpapakalat ng kawalan ng tiwala o hindi pagkagusto laban sa isang protektadong grupo
  • Mga coded message na ginagamit ng mga grupo ng poot para makipag-ugnayan sa isa’t isa nang hindi lumalabas na may poot, gaya ng mga code word, symbol, o audio trend

Ano’ng gagawin ko kung makaranas ako ng poot sa TikTok?

Kung ikaw man, o iba pang miyembro ng komunidad ang inaatake dahil sa kanyang pagkakakilanlan, dapat mong i-report ito sa amin. Hindi laging madaling matukoy ang poot tulad ng pagtukoy sa tamang balanse sa kalayaan sa pagsasalita. Maaaring hindi namin ito palaging makuha nang tama, pero nakakatulong ang iyong feedback para patuloy naming ma-review at mapahusay ang aming mga patakaran, sistema, at produkto. Kung ang biktima ay isang taong kilala mo, isaalang-alang na kumustahin siya para mapag-usapan ninyo kung ano ang maaaring pinagdadaanan niya.

Maaaring nakakasakit at nakakabahala ang pag-atake sa pagkakakilanlan mo, kaya naman hindi pinahihintulutan ng TikTok ang mga pag-atakeng ito sa aming platform. Hinihikayat ka naming gamitin ang iba’t ibang tool sa safety sa TikTok para maprotektahan ang sarili mo at maiwasan ang mga may masamang hangarin.

Walang sinuman ang karapat-dapat na atakihin dahil sa kanyang pagkakakilanlan at maaaring makatulong din na makipag-ugnayan sa isang taong pinagkakatiwalaan mo para masabi mo sa kanya ang iyong mga nararamdaman at makahanap ng suporta.