Skip to main content
Mga Paksa

Kapakanan ng Hayop

Sa TikTok, bumubuo kami ng global community kung saan pwedeng gawin, tuklasin ng mga tao ang mundo nila, at kumonekta sa iba sa buong mundo. Nakatuon kami sa pagpapanatili ng supportive na kapaligiran para sa aming lumalaking komunidad. Kabilang dito ang pagbibigay ng espasyo para sa mga may alagang-hayop at mga mahilig sa hayop para ibahagi at i-enjoy ang kanilang content na nauugnay sa hayop.

Hindi namin pinahihintulutan ang anumang content na nagpo-promote, nagpaparangal, o ginagawang normal ang karahasan sa mga hayop o ang pagdurusa ng mga hayop. Para masigurong mananatiling ligtas at nae-enjoy na lugar ang TikTok para sa lahat, gumagamit kami ng kumbinasyon ng mga teknolohiya at moderation team para tukuyin, i-review, at kumilos laban sa content o mga account na naglalaman o nagpo-promote ng pang-aabuso o pagmamalupit sa hayop. Nananatiling kaming nakatuon sa patuloy na pagpapahusay ng aming pagsisikap na hadlangan at alisin ang anumang content na nauugnay sa hayop na lumalabag sa mga patakaran namin.

Ano ang pang-aabuso ng hayop?

Kasama sa pang-aabuso ng hayop ang pisikal o sikolohikal na pamiminsala o pananakit sa isang hayop. Kabilang dito ang paggamit ng puwersa laban sa mga hayop na pwedeng magsanhi ng mga pisikal na pinsala, hindi pagbibigay ng pagkain, tubig, kalinisan, medikal na mga pangangailangan ng hayop, pananakit o pagsasanhi ng pagkabalisa sa isang hayop para sa libangan, at pagsasailalim sa mga hayop sa malupit o di-makataong mga gawain.

Paano matukoy ang pang-aabuso ng hayop?

Pwedeng magsimula sa pag-iwas na kumilos o gumawi sa paraang magsasanhi ng pagkabalisa o pinsala sa mga hayop. Narito ang ilang pahiwatig ng pang-aabuso ng hayop na dapat nalalaman mo (hindi kumpleto):

  • Pagpapakita ng pagiging agresibo at/o karahasan sa isang hayop, tulad ng pagsipa o pagpalo
  • Pagsigaw at pagsasailalim sa isang hayop sa paulit-ulit na nakakabalisang ingay
  • Hindi angkop na pagpapakain sa mga hayop ng pagkaing makakasama o makakalason sa mga ito
  • Isinagawa o pwersahang paglalaban ng hayop, kung saan ang mga hayop ay sinanay o napuwersang atakehin ang isa’t isa sa mararahas na labanan nang may panganib ng malalang pinsala o pagkamatay
  • Kawalan ng angkop na malinis na kalagayan na nakakaapekto sa kalusugan at kapakanan ng hayop
  • Kawalan ng angkop na pangangalagang medikal kapag may ebidensya ng pinsala (hal. pipilay-pilay, dugo, o baling buntot)

Pwede ka ring gumawa ng pagbabago

Maraming paraan para makagawa tayo ng pagbabago para ipagmalaki at pangalagaan ang mga hayop. Narito ang ilang paraan para isaalang-alang, hangga’t pwede at angkop na gawin:

  • Kung may alaga kang hayop, maging responsable at mabait. Gumawa ng mga kaayusan para sa pangangalaga ng alaga mong hayop bago sila iwang mag-isa. Gayundin, ibigay ang higit pa sa mga pangunahing pangangailangan ng alaga mong hayop sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga positibong karanasan para pagandahin ang kanilang kapakanan.
  • Turuan ang mga bata na irespeto ang mga hayop. Magpakita ng magandang halimbawa sa iba sa pamamagitan ng pagtrato sa mga hayop nang may pagmamahal at konsiderasyon, na ibinabahagi sa kanila kung paano kumilos nang tama sa mga hayop, at na hinihikayat sila na maging tagapagsulong ng kapakanan ng hayop kapag malaki na sila.
  • Isaalang-alang ang pagbabahagi ng hindi graphic na pang-edukasyong content na nagbabangon ng kamalayan tungkol sa pang-aabuso at kapakanan ng hayop sa angkop na paraan. Kapag ginawa ito, magbabangon ito ng kamalayan sa kahalagahan ng pakikialam kapag pinabayaan o pinahirapan ang mga hayop.
  • Isaalang-alang kung pwede mong tulungan ang mga taong nahihirapan sa pangangalaga sa kanilang hayop. Pwedeng mangyari ang pagpapabaya ng hayop sa maraming dahilan. Halimbawa, posibleng walang sikolohikal o kakayahan sa pananalapi ang isang may-ari para bigyan ang isang hayop ng angkop na pangangalaga. May magagawang pagbabago ang pagtulong mo na makatanggap ang alagang-hayop ng pangangalagang kailangan nito at sa pagtulong sa alagang-hayop, posibleng natutulungan mo rin ang isa pang tao.
  • Mag-donate ng pera o gamitin ang panahon mo sa mga makataong animal shelter at organisasyon para suportahan ang kanilang mahalagang gawain.

Mga Kapaki-pakinabang na Resource

Kung may makita kang pagkakataon ng pang-aabuso ng hayop sa platform ng TikTok, hinihikayat ka naming i-report ito sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa content, pag-click sa “I-report” at pagpili sa nauugnay na dahilan o sa pamamagitan ng aming online form. Narito ang ilang halimbawa ng mga organisayon na pwede mong kontakin para matuto pa tungkol sa pang-aabuso ng hayop.

Disclaimer

Nagbibigay ang gabay na ito ng impormasyon para sa edukasyon ng user. Hindi kami kumikita sa pagbibigay ng gayong impormasyon, o direktang ginawa ang impormasyon bilang resulta ng pakikipagtulungan o pakiki-ugnay sa mga nakalistang external na organisasyon.